Wednesday, February 16, 2011

Noong unang panahon, in a galaxy far far away....Cast ng Star Wars Pinoy comedy

Kumusta mga suki ng Carinderia?

First time ko mag-blog in Filipino, meron kasi akong  ideyang maaring ikatuwa, ikagulat or ikainis ni George Lucas at ng lahat ng mga fans ng Star Wars, kaya atin-atin lang muna ito mga kabayan ha!

Kung meron kasing mga parody tulad ng Hardware Wars, Spaceballs at Star Wars Robot Chicken, bakit kaya hindi natin gawan ng Pinoy comedy version ang Star Wars? Heto ang mga magiging bida ng ating intergalactic sarswela:



Luke Skywalker - Ang bidang mahilig sa basketball at iniidolo si Samboy Lim

Princess Leia Organa - Ang kakambal ni Luke, nahiwalay nung ipinanganak at napunta sa mayamang pamilya ng mga musikero. Pinag-aral sa Berkley School of Music at nagdalubhasa sa pagtugtog ng piano

Obi Wan Kenobi - Ermitanyong Bisaya, nagtitinda ng Ube halaya. Siya ang may alam na si Luke at Leia ay magkakambal

Han Solo - Feeling cool na sigang playboy, pero ang totoo'y virgin pa at 35 years old.

Chewbacca - Mutated talking cow, besfren ni Han

Darth Vader -  1/3 man, 1/3 robot, 1/3 dart board. Meron siyang hika, kaya parang laging hirap huminga.

Threepio - Robot na madaldal. Totoong pangalan niya ay "Popopo", pero mabantot pakinggan, kaya ginawa nya na lang Threepio para maging cool

Artoo - Robot na pandak, pero di hamak na mas astig at mas matalino kesa kay Threepio. "Rrrrr Rrrrr" nga lang ang alam niyang salita.

The Emperor - Bossing ni Darth Vader. Ang totoong pangalan niya ay Palpatine, pero pinalitan niya dahil sa daming palpak na nangyari noong kabataan niya. Also known as Darth Sidious, dahil kahit may katandaan na'y mahilig pang magpa-cute sa mga kababaihan.

Stormtroopers - Mga alalay at goons ni Emperor, susugod sa bagyo at lulusong sa baha para kay bossing

Boba Fett - Babaeng bounty hunter na mali-mali

Abangan ang mga susunod na episodes...

No comments:

Post a Comment